Maskara
Mga maaamong muka,
Mga titig na walang mantsa.
Kislap sa mga mata,
Tila walang mga problema.
Dungis sa pisngi,
At tamis ng ngisi.
Bahid ng kagalakan sa sarili,
Ni walang masisi.
Mukha ng kabataan,
Marka ng kamusmusan.
Pag-asa ng bayan,
Kinabukasan ng sanlibutan.
Nooy sarili ang pinagmamasdan,
Nang mga mapanuring mata.
Ngayon sarili ang nagmamasid
At di maiwasan ikumpara.
Noon at Ngayon,
Ano nga ba ang nagbago?
Bukas at kahapon,
Ano bang naging areglo?
Ngiti at ngisi ngayon,
Parehong kahulugan pa rin ba ng kahapon?
Iyak at mga luha noon,
Bunsad ng lungkot maghapon.
Hudyat pa rin ng magkawangis na dahilan.
Noon, ngayon at magpakailanman.
Iba't ibang emosyon,
Iba't ibang kundisyon.
Iba't ibang kwento,
Iba't ibang tagpo.
Iba't ibang tauhan,
Ating nasaksihan.
Maskara ng buhay,
Sinusuot ng matiwasay.
Maskara ng pagkakataon,
Hinuhulma ng panahon.
Noon at ngayon,
Magkaibang panahon,
Saan mang destinasyon,
Tayo'y aahon.
Sarit-saring personalidad,
Kani-kanyang diskarte.
Hangad ay pag-usad,
Sa ating munting byahe.
Maskara
Friday, October 21, 2011
Posted by
seriousjumprole
at
3:25 AM
Labels: life, poem, seriousjumprole
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment