Hinog sa Pilit
Musmos na bata,
Isinilang na walang diwa.
Maagang namulat,
Sa hubad na katotohanan,
Ng ating mundo't,
Matiyagang pakikipag-sapalaran.
Pilit na binuksan and puso't isipan,
Sa hiwaga ng sanlibutan.
Pinalaking matapang at walang kinatatakutan,
Taglay kakaibang paninindigan.
Hinulma upang maging sandata,
Sa laban ng mga matatalinhaga.
Minsa'y naging tahimik na sanggol,
Kalayunan naging batanag makulit at humahabol.
Ngunit ngayong mga dalaga't binatilyo na,
Tila pagka menor de edad ay ninakaw pa.
Mga ngiti ay naglaho na parang bula,
Dugo at pawis ang pruweba.
Dating mga maiingay na tawanan,
Unti-unting napukaw.
At ngayo'y mga seryosong usapan,
Ang kanilang isinisigaw.
Bola, manika at laruan,
Mga nagbibigay kagalakan.
Wari mga munting alaala,
Nang minsang musmos na bata.
Noo'y tinuruan upang huwag maapi,
Ngunit ngayon ay alipin ng sarili.
Mga responsibilidad na pilit na ipinapako,
Hangang sa pagtulog ay ipinagtatanto.
Mga batang walang kabiyak,
Animo sandamukal ang anak.
Bigat ng dalahin,
Wala nino man ang aangkin.
Pasaning di maisisi,
Walang magawa kung di panindigan ng sarili.
Dahil ang musmos na bata ay hinnog sa pilit
Hinog sa Pilit
Friday, September 09, 2011
Posted by
seriousjumprole
at
4:50 AM
Labels: feeling, life, poem, seriousjumprole
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment