Wait lang pede?

Tuesday, May 22, 2012

----------------------------------
PAUSE  
/poz/ noun:
A temporary stop
----------------------------------

Minsan sa buhay mo naranasan mo na ba ung feeling na kung pwede lang sana tumigil muna ang oras at ang lahat ng bagay sa paligid mo? 

Ung tipong pakiramdam mo sobrang umaapaw na ung sarili mo sa emosyon na di mo na alam ang iyong susunod na gagawin. Kung kaya naman nanaiisin mo na lamang huminto pansamantala ang oras. 

Siguro. Oo. 

Ang tao ay ginawa ng Diyos na may kapasidad na makadama ng ibat-ibang klaseng emosyon. Sa iba marahil ito ay kasiyahan, kalungkutan, galit, lungkot o ano pa man. At dahil sa mga emosyong ito nagkakaron ng kulay ang ating buhay. 

--------------------
May 22, 2012
Tuesday, 4:29am 
--------------------

Confused. Anxious. Sa kasalukuyan, yan ang emosyong aking nadarama.

Sandamakmak na bagay at mga kung ano-anong kaganapan ang nagyayari ngayon sa aking buhay. Pakiramdam ko, ako mismo di ko na malaman kung paano pa makakasabay sa agos. 

Commitments. Priorities. Responsibilities.

Lahat importante. Lahat kailangan asikasuhin. Lahat di ko kayang iwan.

LAHAT SABAY-SABAY!

Kung pede lang sana. Sana. Kahit panandalian, tumigil muna ang oras. Tumigil hangang sa muling makasabay ako sa ihip ng buhay.


0 comments:

Post a Comment