Moving On.
Madaling sabihin. Mahirap gawin.
Alam mo ba ung "3-Months Rule"? Siguro pamilyar ka na dito.
Madalas ito nababangit ng mga taong nasawi o bitter. O di kaya naman ng mga
taong overly attached sa pelikulang "One More Chance". #TheFeels
Simple lang naman ang pinapahayag ng untold rule na ito. In 3 months
after a break-up, bawal pa muna makipag-date o relasyon ang isa sa kanila
bilang respeto na din sa dating iniirog. Parang "moving-on" phase ika
nga. Ngunit sapat na nga ba ang 3 months para maghilom ang mga sugat na natamo?
Dito nagkakatalo ang opinyon ng mga tao. Marahil ang iba sa inyo ay
masasabing OO at ang iba naman ay HINDI.
Ang masasabi ko lang, pareho kayong tama. Kaya magsitigil na kayo sa
pagtatalo!!
Pero sa totoo lang, ang pag momove-on ng isang tao ay hindi masusukat
nino man sa kahit ano mang paraan. Hindi mo ito masusukat sa timba-timbang luha
na nailabas mo o sa dami ng alak na nainom mo o sa dami ng mura at masasakit na
salitang na ibato mo sa kanya o kahit pa sa tagal ng mga araw, buwan o taong lumipas
kakamukmok mo.
Walang exact formula para dito upang ma derive mo ang total time
needed para maka move-on ka. Hindi ito tulad ng mga math problems natin sa
school na kailangan mo isolve para makuha ang tamang sagot at pumasa. Hindi ito
tulad ng mga nababasa natin sa test paper na mga scenarios. Ung tipong "If
X = total time needed to move-on. Let the effort rendered by Person B be
indirectly proportional to Person A. Having Z limit as Person A approaches the
peak of pain and suffering and Person B tries to hold-on. While Person A and
Person B loved each other for 6 years before coming to a full stop. Find the
value of X”. Shemay naman no! Mapapakamot ka na lang ng ulo siguro sa hirap!
Ito ung mga pagkakataon na sana meron kang katabing matalino na pede
mong kopyahan o pag tanungan ng sagot. Pero hindi. Dahil sa exam na ito ikaw
lang ang makakasagot at makakapag sabi ng tamang sagot. Walang mali. Lahat
tama.
Hindi ka namin ijujudge. Pramis. Peksman. Mamatayman!
Ito ay dahil moving-on is indefinite. Ang pagmomove on ay naka depende
sa madaming bagay at aspeto ng iyong buhay. Lahat ng nangyari, nangyayari at
mangyayari sa buhay niyo ay makakaapekto sa pag momove-on mo. Depende ito sa
tao at sa laki ng impact na nagawa ng taong iyon sa buhay mo. Maaring dahil
kahit gaano pa kasama ang naging dahilan ng hiwalayan niyo ay mas matimbang
padin ang mga magaganda at mabubuting alaalang meron kayo or vice versa. Tao
lang tayo, nasasaktan din. At dahil tao tayo, ito din ang lamang natin sa ibang
species. Dahil ang tao lang ang may emosyon. Ang may kakayahang magpatawad at may
kakayahang mag desisyon ng tama para sa sarili.
Ang Love ay hindi parang isang basketball game na pede mong pagpasapasahan.
Pero sa pag momove-on nasasa atin ang bola at kasalukuyang naka time-out. Hawak
mo ang oras at ang laro. Nasa desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya mo ng
muling sumabak sa gera at handa ka ng ipagpatuloy ang laro at ipasa ang bola.
Sa huli, it’s all about ACCEPTANCE.
Yup. Tama. Ito lang ang solusyon. Kapag handa ka na ng buong puso at
pagkatao mo na tangapin ang mga nangyari na naging rason ng inyong hiwalayan,
na tanggapin na mula sa araw na ito ay mamumuhay ka na ng wala siya sa piling
po di gaya ng dati at tanggapin na hindi lang siya ang mundo mo. Na tapos ka ng
magpaalipin sa alaala ng nakaraan. Na tapos ka ng habulin ang mga bagay na
hindi na muli maibabalik pa. Na handa ka ng magsimula muli. Na handa ka ng
pagbigyan at unahin naman ang sarili mo sa pagkakataong ito at maging masaya. Dun
mo masasabi na…
“Oo, naka move-on na ako. No regrets just happiness.”